-- Advertisements --
supertyphoon kiko

Lalo pang lumakas ang supertyphoon Kiko habang papalit ito sa extreme northern Luzon.

Sa huling abiso ng Pagasa nitong alas-4:00 ng hapon, kaninang alas-3:00 ng hapon natukoy ang mata ng bagyo sa layong 180 kms east northeast ng Tuguegarao City, Cagayan.

Nasa 190 kms east din ito ng southeast ng Aparri, Cagayan.

Umaabot na ang lakas nito sa 215 kph malapit sa gitna at merong pagbugso ng hangin na umaabot sa 265 kph.

Kumikilos pa rin ito ng northwestward sa bilis na 15 kph.

Ayon sa ilang international weather analysts dahil sa tinatawag na eyewall replacement cycle, muli itong umabot sa ikalawang Category 5 sa ikalawang pagkakataon matapos ang bahagyang paghina kahapon.

Posible namang magtaas pa ang Pagasa ng storm warning signal number 4 malapit sa dadaanan nito.

kiko 1