Hindi umano nag-iinarte si Sunshine Cruz kaugnay sa pag-post nito online hinggil sa naging karanasan sa aniya’y “infested” hotel sa Taiwan.

Ayon sa 41-year-old actress, layunin lamang ng pag-post niya ng mga larawan kung saan tadtad siya ng kagat ng bedbugs ay upang balaan ang publiko.

Kuwento ng dating misis ni Cesar Montano, hindi na sila nakalipat pa ng hotel dahil mahirap ito lalo’t 40 silang nagbabakasyon sa Taiwan.

“The hotel is infested with bed bugs. Our group suffered for days with numerous bed bug bites all over our bodies. We asked to be transferred. We need to pay extra and told us they can’t do anything,” ani Cruz.