-- Advertisements --
Magsasagawa ng ‘regrouping’ ang Phoenix Suns matapos na makuha ng Milwaukee Bucks ang kalamangan 3-2 sa kanilang NBA Finals best of seven games.
Ang nasabing pagkatalo noong Game 5 sa score na 123-119 ng Suns ay siyang pangatlong magkakasunod na pagkatalo nila ngayong Finals.
Sinabi ni Suns Coach Monty Williams na mahalaga na maipanalo nila ang Game 6 sa Martes.
Ilan sa mga nakikitang diskarte ng Suns coach ay ang paggamit kay Devin Booker na nakapagtala ng mahigit 40 points sa Game 4 at 5 ganun din sa kanilang center na si Deandre Ayton.