-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang sundalo nang mabaril ng off duty na pulis alas 6:25 nitong gabi ng Huwebes sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Sgt Roy Degamo nakatalaga sa Military Intelligence Group (MIG-12) tubong Alabel Sarangani Province at kasalukuyang nakatira sa bayan ng Carmen Cotabato.

Ayon sa Spot report ng militar nabaril umano ang biktima ng naka off duty na Pulis na si Pssgt Chris Paul Aninon Baldo 35 anyos,nakatalaga sa Midsayap Municipal Police Station at residente ng Barangay Dalingaoen Pikit Cotabato.

Bumisita at nakipag inuman lamang umano si Sgt Degamo sa ka batch nitong sundalo sa Brgy Dalingaoen.

Pumunta ang sundalo sa isang sari sari store at naalerto ang pulis na anak ng may-ari ng tindahan kaya itoy nabaril gamit Glock 9mm pistol sa ulo.

Sa panig ng Pikit PNP na linapitan umano ng pulis ang sundalo ay agad umanong bumunot ng baril at naunahan ni SSgt Baldo.

Patay on the spot ang sundalo ng tamaan sa ulo at agad namang sumuko si Ssgt Baldo sa Pikit PNP.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP at militar sa naturang pangyayari.