-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pumanaw na ang isa sa dalawang sundalong nasugatan matapos inambush ng rebelding New People’s Army o NPA sa may Sitio Anahawan, Barangay Rojales, Carmen, Agusan Del Norte ala-1:30 ng hapon nitong nakaraang araw.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Lt. Col. Francisco Molina Jr., commanding officer ng 23rd Infantry Battalion, Philippine Army, kinumpirma nitong si Cpl. Neil Young Donoso ang pumanaw na habang nasa ligtas na kalagayan naman ang kasama nitong si Pfc. Ricky Boy Legaria .

Ayon pa sa opisyal, pumunta lamang sa Manoligao National High School ang nasabing mga sundalo upang makipag-coordinate sa ginawang aktibidad sa lokal na pamahalaan may kaugnayan sa information drive ngunit inambus ito ng mga rebelde habang sakay sa motorsiklo.