-- Advertisements --

Umaming guilty ang 21-anyos na sundalo ng Russia sa pagbaril-patay sa isang sibilyan sa ginawang unang paglilitis sa war crimes ng Russia mula ng magsimula ang giyera sa Ukraine.

Inamin ng Ruso na si Sgt. Vadim Shishimarin na kaniyang binaril ang 62-anyos na sibilyan na kinilalang si Oleksandr Shelipov upang pigilan itong maiparating sa mga sundalo ng Ukraine ang kanilang kinaroroonan.

Humaharap ito ngayon sa habambuhay na pagkakakulong.

Paglalarawan ng asawa ng biktima na si Kateryna, dumalo sa trial na binaril ang kaniyang asawa sa ulo na dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ayon sa prosecutors, si Shishimarin ang commanding unit sa isang tank division na patungo noon sa Chupakhivka nang makasalubong nila ang Shelipov lulan ng bisiklita.

Napag-utusan umano ang sundalong Ruso na patayin ang sibilyan at ginamit nito ang Kalashnikov assault rifle sa pagbaril sa biktima.

Nauna rito, napag-alaman ng Ukraine officials na nasa 10,000 ang posibleng war crimes na na-commit ng Russia.