-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo ni Vice President Sara Duterte na kanlang natanggap na ang summons mula sa senado.

Nakasaad sa nasabing summons na pinapasagot ang Bise Presidente sa mga alegasyon sa Articles of impeachment na inihain ng House of Representatives.

Nakasaad din sa summons na mayroong hanggang 10 araw para sagutin ng Bise ang nasabing alegasyon.

Kasalukuyang nasa Kuala Lumpur, Malaysia ang Bise Presidente para sa personal na biyahe kasama ang pamilya.

Inaasahan na dadalo rin ang bise presidente sa pagdiriwang ng Filipino Community ng Independence Day sa Kuala Lumpur.