-- Advertisements --
image 430

Posibleng ideklara na bilang Abu Sayyaf Free ang buong probinsya ng Sulu sa bahagi ng Mindanao.

Ito ay matapos irekomenda ng Area Clearing Validation Board (ACVB) ang nasabing deklarasyon.

Ginawa ng nasabing konseho ang rekomendasyon matapos umanong matiyak na wala nang presensya ng mga miyembro ng Abu Sayaff ang mga islang bayan ng Pandami at Siasi, kasama na ang bayan ng Indanan, na dating pinamumugaran ng maraming mga miyembro ng teroristang grupo.

Ang pinakahuling report ukol sa presensya ng Abu Sayaff member, ay noong sumuko ang mga miyembro ng isang Abu Sayaff group na nasa ilalim ni Abu Sayyaf commander Alhabsy Misaya, noong nakalipas na buwan.

Samantala, ang Area Clearing Validation Board ay isang monitoring body na binubuo ng militar, sibilyan, at iba pang stakeholders.

Inaasahan namang pormal itong maidedeklara bilang Abu Sayaff-free province sa susunod na buwan, kasabay ng nakatakdang pagbisita ni Defense Secretary Gilbert Teodoro.