Naghain ng panukala si Sen. Risa Hontiveros para mag-imbestiga na rin ang mataas na kapulungan ng Kongreso sa nangyaring insidente sa Jolo, Sulu, kung saan apat na sundalo ang napatay ng mga pulis.
Ayon kay Hontiveros, hindi pa nakakalimutan ng publiko ang nangyaring pagbaril-patay ng isang pulis sa dating sundalo na si Winston Ragos sa Quezon City noong buwan ng April.
Para sa senadora, hindi katanggap-tanggap na napapatay ang tropa ng pamahalaan ng kapwa rin tauhan ng gobyerno.
“Extensive reform has to be done to restore the public’s trust in our institutions,” wika ng mambabatas.
Una nang sinabi sa Bombo Radyo ng mga tagapagsalita ng AFP at PNP na handa silang makipagtulungan sa imbestigasyon, lalo’t pumasok na sa pagsisiyasat ang National Bureau of Investigation (NBI).
Nais din ni Pangulong Rodrigo Duterte na bilisan ang incident investigation, para mabilis na maigawad ang hustisya.










