BAGUIO CITY – Binuksan na sa Baguio City ang mga helplines o libreng online psychosocial support service para sa mga nakakaranas ng anxiety at depression dahil sa nararanasang epekto ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Christine Gina Camsol, Executive Manager ng Philippine Mental Health Association (PMHA) – Baguio-Benguet Chapter, bukas ang libreng online psychosocial support service ng kanilang grupo kung saan isinasagawa ng kanilang mental health professionals ang psychosocial debriefing at counseling sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng chat o phone call.
Aniya, kasama sa mga kliyente nila ang mga frontliners at mga indibiduals na nangangailangan ng professional help.
Hinihikayat din nito ang pagsunod sa mg mental hygiene practices kasabay ng nararanasang epekto ng COVID-19 pandemic.
Una rito, ngayong linggo ay ipinahayag ni Baguio Councilor Levy Lloyd Orcales ang pagka-alarma nila sa estado ng mental health matapos ang bigong suicide attempt ng isang 20-anyos na dalaga sa lungsod na napigilan ng mga kamag-anak nito at mga barangay officials.
Ayon sa kanya, marami siyang natatanggap na report ukol sa mga estudyanteng gust6 ng umuwi sa kanilang mga probinsia, kung saan karamihan sa mga ito ay nag-iisa sa kanilang mga boarding housees na walang suporta mula sa kanilang mga pamilya.
Dahil dito, mag-iikot aniya ang mga SK officials sa mga barangay sa lungsod para sa information dissimination ng mental health awareness at helplines para sa mga kabataan.