Screenshot 2019 10 09 15 00 19 22

Aminado ang Department of Justice (DoJ) na malaking hamon ngayon ang kinahaharap ni Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gerald Bantag ang sinasabing patuloy pa rin ang suhulan sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ang dapat ma-overcome ni Bantag.

Una rito, sinabi ni Bantag na patuloy pa rin ang panunuhol ng mga drug lords sa mga guwardya NBP.

Nagbabala naman ang BuCor director general na mahaharap sa kasong administratibo ang jail guard na tumatanggap ng suhol.

Ayon kay Bantag, ang target ngayon ng mga drug convicts sa Bilibid ay kanyang mga tauhan.