suezed
-- Advertisements --

Hirap pa rin ang Suez Canal salvage team sa kanilang isinasagawang paghuhukay at pagkakalot sa nakabarang container ship.

Ayon sa Suez Canal Authority, ang mga digger ang siyang nag-aalis ng mga parts ng canal’s bank at pinalawak pa nito ang dredging malapit sa bow ng barko sa lalim na 18 metro (19.7 yards).

Wala pang nabanggit kung kailan matatapos ang pagkuha ng barko, bagaman sinabi ng mga opisyal na samantalahin nila ang naranasang high tides o ang pagtaas ng tubig hanggang nitong upang mapalayas na ang barko.

Napag-alaman na tumulong na ang mga specialist tug registered mula Netherlandsa sa pagkuha ng nasabing barko. (with reports from Bombo Jane Buna)