Naitala ng Bureau of Treasury ang malakihang pagbaba ng subdidiya na ibinigay government-owned and -controlled corporations (GOCCs) nitong buwan ng Agosto, kumpara sa sinundan nitong buwan.
Batay sa datus ng Treasury bureau, ang budgetary support para sa mga GOCC ay umabot ng hanggang P18.933 billion noong buwan ng Agosto.
Ito ay 43.03% na mas mababa kumpara sa ibinigay ng pamahalaan noong Hulyo, 2023 na umabot ng hanggang P33.238billion.
Gayonpaman, umangat naman ang kabuuang subsidiya na naibigay sa mga GOCC mula Enero hanggang Agosto 2023 kumpara sa mga naibigay sa kanila noong 2022 sa kaparehong period.
Umabot na kasi sa P115.87billion ang kabuuang naibigay sa mga korporasyong nasa superbisyon ng pamahalaan sa buong 2023 habang noong 2022 ay umabot lamang sa P98.60 billion.
Ang Philhealth ang nakakuha ng pinakamalaking share na umabot ng P12.931 billion. Bumaba ito ng halos sampung billion mula sa P22.650 billion na natanggap noong nakalipas na taon.
Sinundan naman ito ng National Irrigation Administration (NIA) at P3.047 billion, habang pumangatlo ang National Housing Authority na nakakuha ng P992million.