IMG 20190822 152432

Kinumpirma ni Justice Sec. Menardo Guevarra na pinalawig ng Judicial and Bar Council (JBC) ang pagsusumite ng aplikasyon para sa Supreme Court (SC) chief justice post.

Sinabi ni Guevarra na ex-officio member ng JBC na puwede pang magsumite hanggang Setyempre 2 na siyang deadline ang mga nagnanais maging punong mahistrado ng Korte Suprema.

Kasunod na rin ito nang nalalapit na pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa Oktubre 18.

Ayon kay Guevarra, ang pagpapalawig ay para makahikayat ng mas maraming aplikante sa mababakanteng posisyon.

Unang itinakda ng JBC ang deadline noong Agosto 20.

Una rito, tinanggap nina Associate Justices Diosdado Peralta at Estela Perlas-Bernabe ang automatic nomination sa kanila habang umatas ang iba pang kasama sa automatic nomination na sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Justices Marvic Leonen at Benjamin Caguioa.

Naghain naman si Justice Andres Reyes ng aplikasyon.