-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US military ang pagdating ng knailang guided missile na submarine sa MIddle East.

Ayon sa US Central Command na layon ng nasabing paglalagay ng submarine doon ay para hindi na lumawak pa ang nagaganap na labanan ng Israel at Hamas militants.

Hindi na binanggit kung anong uri ng nasabing mga submarine na nasa karagatang bahagi ng Suez Canal sa northeast ng Cairo.

Ang nasabing mga submarine ng US ay kayang magdala ng 154 na Tomahawk cruise missiles na bawat Tomahawk ay may kakayahan na magdala ng 1,000 pound ng high-explosive warhead.