-- Advertisements --

Itinigil ng Commission on Higher Education (CHEd) ang programa nitong Study Now, Pay Later na layong matulungan ang mga college students sa pamamagitan pagbibigay ng loans na maaaring bayaran kapag sila ay nakapagtapos na sa kanilang kurso.

Ito ay dahil sa napakababang payment rate na nasa less than 10%.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education ngayong araw, ipinaliwanag ni CHEd chairperson Prospero de Vera na marami pang mga loans sa naturang programa ang hindi pa nababayaran dahil karamihan sa mga nag-avail ng programa ay walang trabaho matapos ang kanilang graduation kung kayat wala silang sapat na pera para mabayaran ang kanilang loans.

Saad pa ni De Vera na naging Study Now, pay Never ang naturang programa.

Sa ilalim naman ng Unified Students Financial Assistance System for Tertiary Education (Unifast), naglaan ang CHEd ng p1 billion para sa mga enrolled studnts para matulungan ang mga ito finacially.

Gagamitin ang pondo para sa pagbibigay ng loans sa mga estidyante na kailangan nilang bayaran bago sila magtapos sa kolehiyo mas maganda umani ito kumpara sa Study Now, pay Later program.

Una ng kinastigo ni Senator Risa Hontiveros ang komisyon na naghain ng isang resolution na layong imbestigahan ang P7 billion na kwestyonableng paglabas ng pondo sa ilalim ng Unifast.