-- Advertisements --

Itinigil na ng Commission on Higher Education (CHED) ang pagpapatupad ng Study Now, Pay Later Program.

Ito ang kinumpirma ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman Prospero de Vera sa organizational meeting ng Senate Committee on Higher, Technical, and Vocational Education.

Paliwanag ni de Vera, masyadong mababa ang payment rate.

Karamihan sa mga estudyanteng kumukuha ng programa ay hindi na nakakabayad dahil hindi nakakakuha ng trabaho o walang sapat na kinikita upang bayaran ang utang.

Sa halip na Study Now, Pay Later, naglaan na lamang ang CHED ng isang bilyong pisong pondo sa ilalim ng Unified Student Financial Assistance System for Tertiary Education (UNIFAST) para sa mga estudyante.

Gagamitin ang pondo para sa extended loan sa mga estudyante na babayaran habang nag-aaral pa rin ang mga ito.