-- Advertisements --
image 104

Nabigo umano ang gobyerno ng New York na maresolba ang gusot sa pagitan ng nurses at mga hospital sa kanilang lugar.
Ayon kay Bombo International Correspondent Ludovico O Baqueriza III, nababahala sila na maapektuhan ang pagtugon sa medical emergencies dahil sa kawalan ng nurses na mag-aasikaso sa pagamutan.
Kabilang ang 7,000 manggagawa ang sinasabing apektado sa naturang kilos protesta sa malalaking ospital sa lugar ipang ipanawagan ang mas mataas na sahod at mas paborableng working conditions.
Nagsagawa ng strike ang mga miyembro ng New York State Nurses Association sa harap ng Mount Sinai Hospital at Montefiore Medical Center kasunod ng isyu sa umano’y hindi patas na pasahod sa kanila.