-- Advertisements --
images

Bumaba ng 36.1% ang imbentaryo ng mais sa buong bansa, nitong pagtatapos ng harvest season sa buwan ng Abril.

Batay sa datos ng pamahalaan, nakapagtala lamang ng hanggang 496,740 metriko tonelada ang bansa sa nasabing panahon, habang umabot ng hanggang 777,370 metriko tonelada ang naitala nitong nakalipas na taon.

Sa lahat ng stock, naitala ang pagbaba kung saan 42.8% ang ibinaba sa household na umabot lamang sa 102,880 metriko tonelada mula sa dating 179,890 metriko tonelada noong nakalipas na taon.

Bumaba rin ng 34.1% ang commercial stock sa naturang period na hanggang 352,040 metriko tonelada lamang mula sa mahigit 500,000 metriko tonelada.

Ang commercial supply ang nagsisilbing pinakamataas na stock na may kabuuang 79.3%.

Una nang iniulat ng DA ang pagbaba rin sa stock ng bigas sa buong bansa, sa parehong panahon