-- Advertisements --
Bumaba ang stock ng bigas ng bansa noong buwan ng Disyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 25.2 percent ang ibinaba ng stock ng bigas.
Mayroong 1.896 million metric tons ang kabuuang rice stocks noong Disyembre 1 na mas mababa ng 2.53 milyon metric tons na naitala noong 2022.
Ang nasabing bilang din ay mas mababa ng 4.2 percent mula sa 1.979 milyon metric tons na naitala noong Nobyembre 2023.
Maging ang mga stocks sa mga commercial warehouse ay bumaba ng 8.7 percent at ang stocks sa mga National Food Authorities depositories ay bumaba ng 54.4 percent.










