-- Advertisements --

Para mapanatiling buhay ang ekonomiya ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic, umaapela si House Deputy Speaker Mikee Romero sa Philippine Stock Exchange (PSE) na panatilihing bukas ang stock market sa bansa.

“Liquidity in the stock market must continue and public funds have to be traded publicly every day,” ani Romero.

Mawawalan kasi aniya ng market liquidity sa bansa kapag isasara ang stock market sapagkat magiging private ang mga traded stocks.

Wala aniyang dahilan para isara ang stock market dahil virtual trading na rin naman ang ginagawa bago pa magkaroon ng COVID-19

Binigyan diin ni Romero na isa sa mga paraan para mapanatili ang paggalaw ng ekonomiya ay ang pagtitiyak ang pag-ikot ng pondo.

“Our country’s financial system is intact. The system  has to remain liquid, so it must stay open,” wika ni Romero.

May nakalatag na rin aniyang economic stimulus package ang pamahalaan para naman sa micro, small and medium enterprises.