-- Advertisements --
Tuluyan nang naapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sunog na Sto. Nino Church sa Pandacan, Manila.
Ayon sa BFP, umabot sa ikatlong alarma ang sunog na nagsimula kaninang tanghali.
Naapula ito bandang alas-2:00 na ng hapon.
Agad namang kinordon ang lugar para hindi makalapit ang mga residente upang makapagsagawa ng imbestigasyon.
Inaalam na kung saan nagsimula ang pagkalat ng apoy at kung gaano kalawak ang naitalang pinsala.