-- Advertisements --

Nilinaw ni Golden State Warriors superstar Stephen Curry na maglalaro siya sa Game 4 ng NBA Finals ngayong Sabado.

Ginawa ni Curry ang pahayag kasunod na rin ng pangamba ng maraming fans nang makita siyang mamilipit sa sakit sa huling bahagi ng fourth quarter sa Game 3 nang madaganan ang kanyang paa ni Boston Celtics forward Al Horford.

Nitong araw ng Biyernes ay hindi muna nagsagawa ng team practice ang Warriors at sa halip ay ginawa nila itong rest and recovery day.

Nagsagawa lamang ng light workout ang ilang mga players sa court.

“About 10½ hours of sleep, a couple dunks in the ice bucket and that’s about it for now,” ani Curry. “Then take advantage of today and tomorrow to get completely ready for the game.”

Ang Game 4 ay gagawin pa rin sa teritoryo ng Celtics kung saan ay abanse na sila sa serye sa 2-1 record.