Naglaan ang Naismith Basketball Hall of Fame ng bagong exhibit para kay Stephen Curry, na kinikilala bilang “greatest shooter of all time” sa NBA.
Inanunsyo ng Naismith na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng liga na magkakaroon ng exhibit para sa isang aktibong manlalaro.
Ang naturang exhibit ay pinamagatang “Stephen Curry: Beyond the Arc” at inilalarawan ang paglalakbay ni Curry mula sa pagiging isang maliit na prospect hanggang sa pagiging isa sa pinakadakilang manlalaro sa kasaysayan ng NBA.
Tampok dito ang kanyang mga tagumpay gaya ng 3-point record, championship rings, MVP awards, at iba pang naabot habang patuloy na naglalaro.
Si Curry ang pangunahing manlalaro ng Golden State Warriors na nagdala sa koponan sa anim na NBA Finals, kung saan apat ang kanilang naiuwi bilang kampeonato.
















