-- Advertisements --
Ngayon pa lamang buhos na ang mga pumupusta at humuhula na mapipili bilang bagong NBA Finals MVP ay ang veteran guard ng Golden State Warriors na si Stephen Curry.
Bagamat two-time MVP na si Curry, wala pa itong napapanalunan na Finals MVP.
Gayunman sinasabing si Curry na ang magiging “consensus favorite” sa magaganap na banggaan ng Warriors at Boston Celtics.
Maging sa pustahan ng mga odds makers sa Las Vegas paborito pa rin si Curry.
Kakumpetinsya naman daw ni Curry sa MVP race si Jayson Tatum ng Boston at teammate nito na si Jaylen Brown.