-- Advertisements --

Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng pagkakaroon pa rin ng steam explosions sa main crater ng Taal Volcano ngayong nakataas pa rin ang Alert Level 1.

Batay sa bulletin na inilabas ng Phivolcs kaninang alas-8:00 ng umaga, dapat nang ideklarang off-limits ang main crater ng Taal Volcano dahil sa posibleng pagkakaroon ng steam explosions at dahil na rin sa mataas na concentration ng toxic gases.

“The northern portion of the Main Crater rim, in the vicinity of Daang Kastila Trail, may also become hazardous when steam emission along existing fissures suddenly increases,” dagdag pa nito.

Ayon sa Phivolcs, 16 volcanic earthquakes ang naitala sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

Kahapon, Oktubre 7, nakapagtala naman ang ahensya ng 87 volcanic earthquakes sa naturang bulkan.

Samantala, pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na hindi inirerekominda ang permanent settlement sa volcano island dahil maituturing ang lugar bilang Permanent Danger Zone.