-- Advertisements --
Pinalawig pa ng Japan ang kanilang coronavirus state of emergency sa Tokyo Osaka, Kyoto, Hyogo, Aichi, Fukuoka, Hokkaido, Okayama at Hiroshima prefectures
Magtatagal ng hanggang Hunyo 20 ang nasabing state of emergnency.
Sinabi ni Prime Minister Yoshihide Suga na kahit na bumababa ang kaso sa ilang lugar ay hindi pa rin sila nagpapa kumpiyansa dahil sa may ibang lugar pa rin ang nakakapagtala ng maraming kaso.
Tiniyak naman nito na pinapabilis na nila ang pagpapabakuna.
Magugunitang binabatikos ang pamumuno ni Suga dahil sa mabagal na pagsasagawa ng bakuna.