-- Advertisements --

Napagkasunduan nina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at mga minister na nangangasiwa sa coronavirus pandemic na palawigin hanggang May 31 ang state of emergency sa bansa.

Ito’y matapos dinggin ng panel of experts ang naging suhestyon ng dalawang ministers na i-extend ang state of emergency na nakatakdang magtapos sa Miyerkules.

Mananatili umanong alerto ang medical system ng Japan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng virus dito.

Wala namang balak ang gobyerno ng Japan na dagdagan pa ang listahan ng 13 prefectures na nasa ilalim ng special alert kung saan kasam rito ang Tokyo at Osaka.

Magiging limitado naman ang aktibidad at pagbubukas ng mga negosyo sa ilang prefectures ngunit inaasahan na patuloy ang pagbabawal sa mga mamamayan nito na maglakbay patungo sa ibang lugar at maging ang paglabas sa gabi.