-- Advertisements --

Inirerekomenda ni Gov. Jake Vincent Villa ang deklarasyon ng State of Calamity sa lalawigan ng Siquijor dahil sa power crisis at disruptions ng mga lifeline services.

Kabilang na dito ang power outage, water system, kakulangan sa access sa serbisyong pangkalusugan at iba pang government at private services.

Binigyang-diin pa ni Villa na lubhang naapektuhan nito hindi lang ang mga Siquijodnon kundi maging ang komunidad, tourism industry, at negosyo sa isla.

Batay na rin ito sa napagkasunduan sa isinagawang 2nd Quarter Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Council Meeting noong Mayo 29, 2025.