NAGA CITY- Isinailalim na ngayon sa State of Calamity ang probinsya ng Camarines Sur matapos ang pananalasa ng super typhoon Rolly.
Sa inaprobahang resolution ni Gov. Migz Villafuerte, napag-alaman na ang resolution no. 235 series of 2020 ay idineklara upang mas maprotektahan ang mg residente at mas mapag-ibayo pa ang mga tulong na maipapamigay dito.
Kaugnay nito sa panayam naman ng Bombo Radyo Naga kay Estel Estropia, ng PDRRMC-Camsur, sinabi nito na sa kanilang pagtaya ay umabot na umano sa mahigit sa 1,2500,770 ang mga residenteng labis na naaepktuhan sa probinsya.
Ayon kay Estropia, sa kasalukuyan lubog pa rin umano sa baha ang nasa 186 na barangay mula sa 26 na bayan ng Camarines Sur.
Nabatid na buong probinsya rin ang kasalukuyan pa ring walang supply ng kuryente habang pitong bayan naman ang nawalan ng supply ng tubig.
Samantala, kinumpirma naman ni Estropia na umabot na sa P770,989,000 Million ang kabuuang bilang ng mga napinsala ng nasabing bagyo pag dating sa agrikultura.
Kasama sa nasabing bilang ang mga nabahaang mga sakahan, mga nasirang high valued crops at maging ang epekto rin umano pag dating sa mga mangingisda.
Kaugnay nito nag papatuloy na umano ang lokal na pamahalaan ng probinsya na mamahagi ng tulong sa mga naapektohang residente.
Habang patuloy naman umano ang ginagawang asssessment ng ahenysa kung saan halos 13 bayan pa umano ang hindi pa nakakapag paabot ng kanilang initial damage report dulot ng naturang kalamidad.