-- Advertisements --
Pumanaw na ang stand-up comedian na si Kirara Kawai.
Kinumpirma ito ng kaniyang mga kaanak sa pamamagitan ng social media post.
Hindi naman na nagbigay pa ng anumang detalye sa sanhi ng kamatayan ng komedyante o Rodolfo Rausa Jr sa tunay na buhay.
Nakalagak ang bangkay nito sa Prudential Memorial Chapel sa Sampaloc, Manila mula Huwebes hanggang Linggo,Oktubre 25.
Siya na ang pang-apat na stand-up comedian na pumanaw ngayong Oktubre na una ay si Dax Martin II noong Oktubre 8 sa edad na 56.
Sumunod si Arnell Tamayo sa edad na 61 noong Oktubre 14 at si Noel Montero sa edad na 46 noong Oktubre 16.












