Nakatakda nang simulan susunod na linggo ang “placebo-controlled” clinical trial para sa lagundi tablets o syrup bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) therapeutic o supplement.
Ayon kay DOST Secretary Fortunato “Boy” T. de la Peña, inaasahan nilang matatapos sa lalong madaling panahon ang “two-stage, randomized and placebo-controlled” na clinical trials para sa lagundi.
Layon aniya ng 10 month-long project na ito na suriin ang efficacy at safety ng lagundi tablet o syrup sa mga pasyente na walang comorbidities na suspected o confirmed na mayroong mild COVID-19.
Ayon kay Dela Peña, ang first stage ng trial ay ang dose finding at safety study na isinagawa sa Quezon Institute at Philippine National Police (PNP) Camp Bagong Final Special Care Facility.
Tapos na rin sa ngayon ang screening at recruitment ng mga participants para sa Stages 1 at 2 ng trial.
Kabuuang 278 participants mula sa pitong quarantine facilities aniya ang nakuha para sa proyektong ito.