Pinawi ng Department of Health (DOH) ang pangamba ng mga People Living with HIV (PLHIV) hinggil sa supply ng kanilang gamot ngayong nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, stable o sapat pa ang supply ng HIV drugs ng estado. Katunayan, patuloy na tinataasan ang budget allocation para sa pagbili ng naturang gamot.
“With the drastic increase of the number of Filipinos getting infected with HIV over the past 10
years comes the continuous increase in budget allocation for procurement of HIV drugs.”
Sa tala ng DOH, as of April 2020, nasa 77,882 ang bilang ng HIV cases sa bansa. Mula sa bilang na ito, may 45,444 na matagal nang sumasailalim sa treatment.
Libreng nakakakuha ng antiretroviral drugs ang mga PLHIV sa 160 government and private treatment facilities sa bansa.
Ang kasalukuyang stock ng HIV drugs ay sapat daw hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon. Lumalakad na rin umano ang procurement sa panibagong batch.
Sa ngayon may ilang punto na lang daw na pinag-aaralan sa procurement plan para sa 2021 tulad ng dagdag pang buffer stock at nagmahal na presyo sa merkado dahil sa pandemic.
“Thus, we call on HIV advocates, concerned individuals, groups, and organizations to help us disseminate this relevant information on the steady supply of HIV drugs to allay the fears and anxiety of our PLHIV,” ani Duque.
Hinimik din ng kalihim ang mga PLHIV na patuloy na makipagugnayan sa kanilang mga health care providers para sa supply ng kanilang gamot.
“Let me reiterate that we are taking HIV’s threat seriously and ensuring steady supply of HIV drugs is one key measure to stop this virus in its tracks.”
Kamakailan nang lumabas sa report ng World Health Organzation na 73 bansa ang nagpahayag na malapit ng maubos ang kanilang mga antiretroviral (ARV) medicines dahil sa COVID-19 pandemic.