Nag-request ang St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Quezon City at Bonifacio Global City (BGC) ng 5,000 doses ng Sinovac-made vaccines na ibinigay ng China sa Pilipinas.
Ito ang naging pahayag ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., sa ginawang ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi.
Nagpahayag daw ng interes si SLMC President at CEO Dr. Arturo De La Peña na bakunahan ang 5,000 healthcare workers at empleyado ng nasabing ospital gamit ang Sinovac vaccine.
Nagulat daw si Galvez sa naging pakiusap ni De La Peña dahil base sa kaniyang pagkakaalam ay bakuna muyla Pfizer ang pinili nila.
Nagpasalamat naman si Pangulong Duterte sa kooperasyon ng mga opisyal ng St. Luke’s sa vaccination program ng pamahalaan.
Ang CoronaVac ay ikatlong COVID-19 vaccine brand kasunod ng Pfizer-BioNTech at AstraZeneca na inaprubahan ng Food and Drug Administration para sa emergency use.
Sinimulan kahapon ng gobyerno ang COVID-10 vaccination drivce nito sa mga frontline healthcare workers ng University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) at ilang opsiyal ng gobyerno.