-- Advertisements --

Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang payment deadlines para sa June 2023 contributions ng ilang mga employers na ang lugar ay nasa state of calamity bunsod ng nagdaang bagyong Egay at Falcon.

Ayon sa SSS na ang extensions ay ipinapatupad sa mga lugar ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Cavite, Rizal, Occidental Mindoro, Abra, Apayao, Benguet, Ifugao at Mountain Province.

Ito ay epektibo sa June 2023 contributions ng business employers at second quarter contributions ng household employers, coverage and collection partners (CCP) at individual members mula Hulyo 31 hanggang Oktubre 2, 2023.

Sinabi ni SSS president and CEO Rolando Ledesma Macasaet na isa itong tulong sa mga negosyante na nasalanta ng nasabing mga bagyo.