-- Advertisements --

Patuloy ang ginagawang paghahabol ng Social Security System (SSS) sa mga employer na hindi nagbabayad ng mga kontribusyon ng kanilang empleyado.

Ayon sa SSS na hindi humihinto ang kanilang programang “Run After Contribution Evaders Activity (RACE) para paalalahanan ang mga delingquent employers.

Mayroon na aniya silang binigyang ng babala na mga employer dahil sa reklamo na kanilang natatanggap.

Pinayuhan din ng SSS ang mga empleyado na agad na magsumbong sa kanilang opisina ang mga employer na hindi nagbabayad ng tamang kontribusyon.