Hindi babagsak ang Social Security System (SSS) kahit ipagpaliban ang nakatakdang pagtaas sa monthly contribution ng mga miyembro nito.

-- Advertisement --

Natuklasan sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kahapon, natuklasan na mayroong sapat na buffer ang SSS.

Ayon kay SSS president at CEO Aurora Ignacio, sa kasalukuyan ay aabot sa P540 billion ang reserve fund nila habang P240 billion kada taon naman ang kanilang nakokolekta mula sa kanilang mga miyembro.

Nauna nang inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang kambal na panukalang batas na inihain ni Speaker Lord Allan Velasco na naglalayong bigyan nang kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na suspendihin ang scheduled increase nang member contributions sa Philippine Health Insurance Corporation at SSS sa panahon ng national emergencies kagaya ng COVID-19 pandemic.

Mariing tinutulan ng SSS ang deferment sa schedule hike na ito, sa pagsasabi na malaki ang epekto nito sa pension fund.

Sa pagdinig ng komite kahapon, inamin ng SSS na ang collection delinquency nila sa ngyon ay pumapalo na sa P10 billion habang P9 billion naman ang kanilang operating expenses.