-- Advertisements --
Nagdeklara si Sri Lanka’s President Gotabaya Rajapaksa ng nationwide public emergency dahil sa mga nagaganap na karahasan sa nasabing bansa.
Dahil dito ay maaring arestuhin ng mga otoridad ang sinumang magiging banta sa gobyerno kahit na wala itong mga warrant of arrest.
Paliwanag ng nasabing pangulo na kaya nito ipinatupad ang nasabing state of emergency ay para na rin sa kapakanan at katahimikan ng mga mamamayan.
Nakaranas kasi ng economic crisis ang nasabing bansa na mayroong 22 milyong populasyon kung saan napipilitang pumila ang mga tao sa iba’t-ibang pamilihan.
Dahil sa economic crisis ay nagsagawa ang ilang residente ng kilos protesta.










