-- Advertisements --

Inatasan ni Sri Lanka’s Prime Minister Ranil Wickremesinghe ang military nia na gawin ang lahat ng makakaya para maibalik ang katahimikan sa kanilang bansa.

Si Wickremesinghe ay itinalaga matapos na tumakas ang kanilang pangulo na si Gotabaya Rajapaksa palabas ng kanilang bansa.

Mula noong nakaraang mga linggo ay pinapasok na ng mga protesters ang government building.

Nanawagan din ito sa mga protesters na umuwi na at hintayin na lamang ang pagpili ng bagong pangulo.

Magugunitang sumiklab ang malawakang kilos protesta dahil sa naranasang krisis sa ekonomiya.