-- Advertisements --

Tiniyak ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na walang magaganap na anomalya sa panibagong pag-aangkat ng asukal na aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona, na hindi na mauulit pa ang mga kontrobersya na naganap sa mga nag-daang pag-angkat ng mga asukal.

Inihalimbawa nito ay ang pagpabor sa ilang mga sugar traders.

Magiging bukas aniya ang nasabing programa at sa lahat ng mga importers.

Dumepensa ito sa naging desisyon ng pangulo sa pag-angkat dahil hindi pa rin aniya sapat ang local productions ganun din ang ang mga naunang inangkat na asukal sa pangangailangan ng bansa ngayong taon.