-- Advertisements --
Asukals

Tinitimbang din ngayon ng Sugar Regulatory Administration (SRA) ang opion na pagbebenta ng nasamsam na smuggled sugar sa supermarkets.

Ayon kay SRA Acting Administrator Pablo Luis Azcona na kung papayagan ito maibebenta rin ang mga asukal sa Kadiwa stores sa mas malaking merkado sa halagang P70 kada kilo.

Sa kasalukuyan kasi, base sa records at price monitoring ng Department of Agriculture (DA), ibinibenta ang kada kilo ng asukal sa presyong P100 hanggang P130 sa ilang pamilihan.

Base din sa pinakbagong records ng DA, ang pinakamababang presyo ng puting asukal sa mga palengke sa Metro Manila ay nasa P86 kada kilo, ito ay mas mataas ng P1 kumpaara sa target ng SRA na suggested retail price (SRP) na P85 kada kilo.

Sinabi din ng SRA na sa kabila ng mas mataas na gastos sa produksiyon ng asukal, nananatiling nasa P60 ang farm gate price ng asukal.