-- Advertisements --
Tinalo ng New Orleans Pelicans ang San Antonio Spurs 113-103 sa Western Conference play-in games.
Nanguna sa panalo ng Pelicans si CJ McCollum na nagtala ng 32 points habang mayroong 27 points si Brandon Ingram at nag-ambag ng 22 points, 14 rebounds si Jonas Valaciunas at tig 12 puntos ang mga rookies na sina Herbert Jones at Jose Avlarado.
Dahil sa panalo ay makakaharap ng Pelicans ang Los Angeles Clippers para sa ibang elimination games.
Ang mananalo sa pagitan ng Pelicans at Clippers ay siyang makakakuha ng pang-walong puwesto sa Western Conference playoffs at makakaharap ang Phoenix Suns sa unang round.