-- Advertisements --

Umabot pa sa dalawang overtime para makuha Nakuha ng San Antonio Spurs ang unang panalo sa best of seven Western Conference Finals laban sa Oklahoma City Thunder 122-115.

Bumandera sa panalo ng Spurs si Victor Wembanyama na nagtala ng 41 points at 24 rebounds.

Nagtala rin ng 24 points si rookie player Dylan Harper na siyang pumalit kay De’Aaron Fox matapos na ito ay mainjured.

Ito ang unang pagkatalo ng Thunder ngayong playoffs.

Sinabi ni Spurs coach Mitch Johnson na naging motibo para kay Wembanyama ang hindi nito pagkakuha ng Most Valuable Player na nakamit ni OKC star Shai Gilgeous-Alexander.

Nalimitahan lamang sa 24 points si Gilgeous-Alexander kung saan target ng OKC na maging unang koponan na maulit ang kampeonato mula ng makuha ng Golden State Warriors sa taong 2017 at 2018.