-- Advertisements --

VIGAN CITY – Dismayado ang sports nofficial sa naging performance ng Gilas Pilipinas sa opening game nito sa FIBA World Cup sa China nitong nakaraang Sabado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan sinabi ni Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, sinabi nito na tila hindi handa ang mga players ng Gilas Pilipinas kaya nagresulta sa pagkatalo ang kanilang pagharap sa koponan ng Italy.

Aniya, nakapagtataka na ganoon ang naging laro ng Gilas Pilipinas sa kabila ng palagi mga naunang ulat na mahigpit ang kanilang training para sa FIBA World Cup.

Ayon kay Puentevella, mukhang hindi sineryoso ng national team ang naging laban kontra sa Team Italy dahil maraming pagkakataon para sa puntos ang umano’y sinayan ng Pinoy players.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ng nasabing opisyal na sa mga susunod na laro ng Gilas ay nakatutok na ang atensyon ng mga players sa kanilang goal na manalo at maging maganda na ang kanilang performance.