-- Advertisements --

Sa pagkakataon ang Filipino martial arts na arnis ay kabilang na sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo 2023.

Isa kasi ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee.

Labis naman na ikinatuwa ni Senate President Miguel Zubiri bilang pangulo ng Eskrima Kali Arnis Federation president at chairman sa pagsama na ng arnis sa SEA Games.

Dagdag pa nito na noon pa man ay kanilang isinusulong na dapat isama ang sports na arnis sa anumang international sporting events.