-- Advertisements --

Palaisipan sa mga fans ng mga pelikula sa ilalim ng Marvel Studios ang nilulutong umano’y isang female-centered concept.

Ito’y matapos lumabas ang impormasyon na ang 36-year-old actress na si Olivia Wilde ang napiling maging direktor ng “Spider-Woman” para sa Sony Pictures.

Nagsimula raw ito nang magkasakit ang karakter ni Jessica Drew dahil sa uranium exposure sa laboratoryo ng kanyang ama.

At upang maisalba ang buhay, binakunahan siya ng experimental pa lamang na serum mula sa dugo ng gagamba.

Dagdag pa sa impormasyon na magsisilbing scriptwriter si Katie Silberman, ang producer ay si Amy Pascal, at executive producer si Rachel O’Connor.

Ang “Spider-Woman” ay kabilang sa mga superhero sa Marvel universe.

Nakilala si Wilde sa kanyang mga papel bilang si Quorra sa “Tron: Legacy,” Suzy Miller sa “Rush,” Rachel Salas sa “In Time,” at iba pa.

https://www.instagram.com/p/CEF2m0AnQ43/