60119989 379061932700098 8638215341576552448 n
IMAGE | Posters recovered from Paolo “Spiderman” Felizarta

Humingi na ng tawad ang lalaking naka-costume ng Spiderman na tumakbo sa gitna ng court habang nasa kasagsagan ng PBA Philippine Cup Finals nitong Biyernes.

Ayon kay Paolo Felizarta, hindi niya intensyong manakit ng player matapos mabunggo ang center player ng San Miguel na si June Mar Fajardo habang tumatakbo.

Malabo lang daw talaga ang kanyang maskarang suot, gayundin na nais lang niyang magpaabot ng mensahe kaugnay ng paparating na halalan.

Nakuha mula kay Felizarta ang nasa 10 poster na may mga mensaheng “Vote wisely on May 13” at “Vote from the heart.”

Sa ngayon sasampahan daw ng kasong alarm and scandal at unjust vexation ang lalaki sa Quezon City Police District Station 7.

Bukod dito, kakasuhan din daw ng management ng koponan ni Fajardo si Felizarta.

Nakatakda namang makipag-pulong ang pamunuan ng Arante Coliseum sa pulisya para sa karagdagang seguridad sa lugar.