-- Advertisements --
WPS

Bumuo ang Office of the Solicitor General (OSG) ng isang special team para pag-aralan ang legal at diplomatic options para mapamahalaan ang mga isyu sa China pagdating sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra, binubuo ang grupo ng mga solicitor na eksperto sa public international law, law of the sea at iba pang maritime laws at international arbitration.

Aniya, isa sa mga option ay ang pagdulog ng naturang usapin sa United Nations General Assembly.

Matatandaan noong 2013, una ng kinuwestyon ng Pilipinas ang legal na basehan ng China sa malawakang claim nito sa pinagtatalunang karagatan sa pamamagitan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands.

Kung saan naipanalo ng Pilipinas ang kaso noong 2016 matapos na ipawalang bisa ng tribunal ang claim ng China.

Subalit sa kabila nito patuloy pa ring hindi kinikilala ng China ang ruling ng tribunal.