-- Advertisements --
DOJ

Parating sa bansa sa susunod na buwan ang isang special rapporteur ng united nations para sa pakikipag koordinasyon sa gobyerno ng pilipinas hinggil sa usapin ng online sexual exploitation.

Sinabi ni dept of justice spokesperson assistant secretary mico clavano na sa gagawing pakikipagpulong sa kanila ng special rapporteur, ipi presinta nila rito ang mga ginagawang hakbang ng gobyerno ng pilipinas laban sa online sexual exploitation.

ang ganitong pakikipag koordinasyon aniya ang hinahanap nila sa international criminal court o icc sa imbestigasyon sa war on drugs campaign ng nagdaang administrasyong Duterte.

Iginiit ni clavano na walang itinatago ang pilipinas, ang kailangan lamang aniya ay idaan ito sa tamang proseso.

Hindi naman kasi aniya pu pwedeng obligahin ng international criminal court ang gobyerno ng pilipinas na sumang ayon agad sa kanilang kagustuhan nang walang tamang proseso ng pakikipag koordinasyon.