CAGAYAN DE ORO CITY -Nagsanib puwersa ang pulisya at militar pagtugis laban sa umano’y Dawlah Islamiyah terror group na nasa likod pagtambang sa tatlong mga sundalo na nasagawa ng sensitibong misyon sa delikadong bahagi ng Lanao del Norte.
Kasunod ito ng kapwa kompirmasyon ng mga sundalo’t pulisya na nasawi sa pananambang sina Army Staff Sargeants Murphy de los Santos at Raul Pabuaya habang nakaligtas dahil nakatakas naman sa panganib si Staff Sgt Joenihper Etol sa pinangyarin ng kremin sa Sitio Boniyawa,Barangay Old Poblacion,bayan ng Munai.
Sinabi ni Police Regional Office 10 spokesperson Maj. Joann Navarro na binuo nila ang Special Investigation Team upang mas mapabilis ang pag-iimbestiga at pagsampa ng kasong kriminal laban sa mga salarin.
Natuklasan sa paunang imbestigasyon na galing pa sa 51st Infantry Batallion,Philippine Army headquarters ng Lanao del Sur ang mga biktima at naatasan ng misyon sa Lanao del Norte subalit hindi pa man sila nakaabot ay sinalubong na ng mga bala ng M-16 rifles at kalibre 45 na baril.
Dead on the spot sina Pabuaya at De los Santos dahil kapwa nagtamo ng mga tama sa kanilang mga ulo.
Ninakawa rin ng mga tumakas na salarin ang short firearms ng mga biktima at ang kanilang pera habang iniwan lang ang mga sinasakyan nila na mga motorsiklo.